Tuesday, April 24, 2012
Sa Exotic Restaurant, Pakil, Laguna
Kahit maraming taon na mula nang magbukas ng pintuan ang restaurant na ang pangalan ay EXOTIC sa Pakil, Laguna, kelan lang ako nakapunta dito.
Nakilala ang Exotic Restaurant dahil dito, ang mga customer ay maaaring sumubok ng mga "exotic" na pagkain tulad ng usa, baboy damo, bayawak, sawa at iba pa.
Pero ngayong pinangangalagaan at pinoprotektahan na rin ang mga exotic na hayop, kaunti na lang ang mga palatandaan at bakas na "exotic" ang lugar na ito.
Sa loob ng restaurant, makikita ang mga bayawak na ito na ginawa na lang dekorasyon.
Meron ding ulo ng usa. Ewan kung saang bansa galing ang mga usang ito (dalawa nakita ko)
Sa labas naman ng restaurant, meron ding ibong kalaw na ang alam ko ay sa Cagayan Valley natatagpuan.
Sa hardin ng restaurant, meron namang nakataling peacock.
Siguro ay nahuli na ako ng dalaw sa tanyag na kainan at landmark na ito sa Laguna. May ilang parte na ng restaurant na ito ang mukhang abandonado na at hindi na pinapakinabangan.
Pero sana muling mapasigla ng may ari ng lugar na ito ang kanilang restaurant.Sayang din naman ang lugar na ito. Kung wala na silang mga "wild" na pagkain na maisisilbi, pwede rin naman silang magpa uso ng ibang "putahe" gaya ng insekto at maging yong Cuy o guinea pig na sikat na sikat sa mga bansa sa Latin America.
Ewan nga lang kung mas madaling sabihin ang naiisip ko kesa sa gawin.
Magsa ano pa man iyon, All the best sa kainang ito at sana, palayain na lang nila ang mga bilanggong ibon na alaga nila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment