Kung may kaibigan ka na nakikita mong medyo nalululong sa isang bisyo, dapat ka bang maki-alam o mas maigi pang pabayaan mo na lang dahil tutal, buhay naman nya yon?
May kaibigan kasi akong nasa ganitong sitwasyon. Pero hindi naman talaga sya adik dahil hindi naman siya sa mga ipinagbabawal na droga nalululong.
Mahilig lang siyang kumain at sa ngayon, pagkalaki laki na niya. Dahil dito, minsan, parang hirap na siyang lumakad.
Bagamat hindi ako doktor, alam ko mailalagay ang kaibigan kong ito sa kategoryang morbidly obese.
Gusto ko siya tulungan. Pero ano ang magagawa ko kung siya mismo ay parang hindi masyadong binibigyang halaga ang kanyang kondisyon. Ang ina-alala ko, baka magalit pa siya sa akin kung pilitin ko siyang harapin ang isang bagay na parang hindi niya masyadong binibigyan ng pansin.
Mabait ang kaibigan kong ito at sa tuwid na landas siya ni Noynoy kung lumakad. Marami siyang kaibigan na alam ko ay may malasakit sa kanya. Sana kahit paano, maka impluwensya ang mga kaibigan niya na mapalakad siya sa landas ng pagpapayat tungo sa kalusugan.
(eto lang muna ang maisusulat ko matapos ako mawala ng pagkatagal tagal)
Friday, September 16, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment