Napansin ko marami rami na rin pala ako nailalagay sa blog ko, pero wala talaga katorya torya. Baliw lang ang magtitiyagang bumasa nito. Siguro kailangan ko i define at i refine ang purpose ko sa pag gawa ng blog na ito.
Unti unti gagawin ko ito. Hindi na siguro ako magsisimula ng bagong blog, pero babalikan ko na lang ang mga naunang entries ko at tatanggalin o babaguhin ang kailangang baguhin.
Sunday, October 19, 2008
Saturday, October 18, 2008
Ang dalawang klase ng tao
Parang sa accounting, may dalawang klase ng tao:
May mga taong nakakadagdag sa kanyang kapaligiran - ito ang mga taong produktibo, malikhain, matulungin sa ibang tao na galing sa sarili niyang bulsa ang ipinangtutulong.
May mga tao din naman na nakakabawas sa kanilang kapaligiran. Ito ang mga taong laging nag-iisip kung ano ang makukuha nila sa kanilang paligid, kung paano makakalamang at kung tumulong man ay sa iba pa kinuha ang kanilang ipinangtulong.
Siguro kung mas maraming unang klase ng tao, mas mayaman at higit na magiging maganda ang bansa.

Monday, October 6, 2008
Antay ng antay
Nitong mga nakaraang linggo, wala na akong ginawa kundi mag-antay.
Unang una na sa inaantay ko ay ang pagtatapos ng semestre sa UP. Usapan kasi namin ni Prof M at M na patatapusin muna ang sem bago puspusang harapin ang pagdevelop ng pakatas. Kung sabagay, dalawang araw na lang ay tapos na ito. Sana pagkatapos nito ay madali lamang sila makagawa ng prototype at magawa namin kung ano man ang kailangang paperwork at red tape para maging opisyal ang tulong na ibibigay nila sa akin.
Isa pa ring inaantay ko ay ang pagformulate na namin ng Smile. Hindi ko inaasahan na medyo matagal din pala ang magiging pagkalap ng mga chemicals na gagamitin dito. Na delay na kami ng husto sa ginawa naming work plan. Pero kanina ay dinala ko na ang huling chemical na kailangan namin at sana ay may magawa na si Dean SBP at Kevin.
Sa ngayon, pinag iisipan ko na kung ano ang pinakamagaling na gawin sakaling maging maganda nga ang resulta nito. Isa sa mga naiisip ko ay ilapit ito sa ibang mga negosyante at papondohan ang commercialization nito. Pero siguro, saka ko na pag iisipan ng husto ito kapag may nagawa ng produkto. Pansamantala, lagi lang mag SMILE.

Subscribe to:
Posts (Atom)