Lilipas na naman ang isang buong taon habang sumasalubong tayo sa panibago. Sa taong namamaalam, maraming naganap, Mabuti at masama, masaya at malungkot, mga kwento ng tagumpay at mga kwento ng kabiguan.
Gusto ko mang isipin at dalhin lamang ang mga masasaya at mabubuting ala-ala, hindi ko maikakaila na malungkot sa naganap sa aking bayan.
Meron man tayong nakikitang sanhi ng ating kalagayan sa kasalukuyan, sa bandang huli, tayo lamang mamamayan na sama samang kumikilos tungo sa isang layunin ang magpapasya ng ating kapalaran.
Ang ating tungkulin ay hindi manisi kundi magmulat at baguhin ang ating sarili.
Umaasa tayo ng pagbabago. Pero ang pagbabago ay hindi manggagaling sa labas kundi sa ating sarili. Sana maganap ito sa bagong taon na darating para sa pagwawakas ng taong ito, kasama na ang lahat ng masama at pabigat sa atin na ibabaon na lang din sa ala ala.