Nagandahan lang ako sa punong ito dahil sa unang tingin aakalain mo na ito ay may apat na iba't ibang bunga. Pero sa totoo, iba't ibang stage lang ng pagkahinog ng bunga ang mga ito.
Sa pagkakakilala ko sa punong ito na isang uri ng palmera, ang tawag dito ay fishtail palm.
Sabi ng ibang tao, pantawag swerte daw ang halaman na ito. Sa mga gustong maniwala dito, okay lang yon. Wala namang bayad kung maniwala kayo. Siguro sa mga magpaparami nito mula sa buto at maibebenta ng mahal ang halaman, e di masasabi nilang sinuwerte nga sila.
Pero ako, ang hinahanap kong palmera ay ang palmera na nakakain daw ang ubod. Praktikal lang.