Wednesday, November 24, 2010

Shiny Happy People

Gusto ko sana makisawsaw sa bruhahang ginawa ng pinapanukalang bagong slogan ng Department of Tourism na Pilipinas kay Ganda.

Para sa akin, mas maganda na sa halip na mga lugar sa Pilipinas ang pagtuunan natin ng pansin, ang ialok natin sa mundo ay ang ating likas na pagkamasayahin. Kaya nga naisip ko na ang bagay na bagay na theme song dito ay ang Shiny Happy People ng REM. Siguro naman, kapag gobyerno ang kumausap sa REM ay papayag silang ipagamit ang kanilang kanta.

Wala akong issue na nakikita sa paggamit ng kantang ito sa halip na Original Pilipino Music kasi ang importante naman ay ang mensahe nito.

Nakikinita ko, napakaganda ng visuals na maaaring magawa kaugnay ng kantang ito. Mga pinoy na nakangiti, mga pinoy na nagsasaya, mga pinoy na nagpipiyesta... basta lahat sila ay nagsasaya at nanghahawa ng kanilang kasayahan.

Sa palagay ko, ang pangako ng pagsasaya ay isang malaking panghila sa mga taong naghahanap na takasan ang kalungkutan at kabagutan sa buhay.

Monday, November 22, 2010

Blue Moon






Kagabi, habang pauwi ako galing sa meeting at inuman, napansin ng aking mga kasamahan na may full moon at ang ganda ng itsura nito. Naisip ko tuloy na kuhanan ito ng litrato. Pag uwi ko, saka ko lang nalaman na ang buwan na hinangaan namin ay isa palang tinatawag na Blue Moon.

Ang blue moon ay di nangangahulugan na nagkulay asul ang buwan. Ang ibig sabihin yata nito ay ang pagbubuo ng dalawang beses ng buwan sa loob ng isang lunar month.